SANGGOL SA BELTBAG NAPIGIL NG BI

bi45

(NI ROSE PULGAR)

PINIGILAN ng  mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng American national, makaraang tangkaing ipuslit palabas ng bansa ang isang 6-araw na sanggol na lalaki na isinilid sa loob ng kanyang beltbag na hand carry, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Miyerkoles ng  umaga.

Kinilala ni Immigration Port Operation Division Chief Grifton Medina ang dayuhan na si Jennifer Erin Talbot, 43, mula Utah, Unites States

Lumabas sa report, dakong alas-7:00 ng umaga nang pigilin ng mga awtoridad ang dayuhan sa boarding gate ng Delta Air sa NAIA Terminal 3 matapos makitang nakasilid ang sanggol na tinayatang nasa anim na araw pa lamang sa dalang bag ng dayuhan.

Sinabi pa ni Medina, walang dalang kaukulang dokumento ang dayuhan na nagpapahintulot sa kanya na dalhin at ilabas ang sanggol sa ating bansa.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil dito at kung paano naipasok ang sanggol sa loob ng paliparan na nakasilid pa bagahe ng dayuhan.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng BI ang naturang sanggol habang nakikipag-coordinate na sila sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa isasagawang imbestigasyon.

Sinabi pa ni Medina, nakatakdang iturn-over ng NBI ang nasabing sanggol sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pangangalaga rito.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment