PINAY NA NAAKSIDENTE SA RUSSIA INAYUDAHAN NA NG DFA

dfa200

(NI ROSE PULGAR)

INAALALAYAN na ng Embahda ng Pilipinas sa Moscow ang isang sugatang Pinay na nakasama sa multiple-vehicle collision sa Kazakhstan na ikinasawi ng dalawa katao at pagkasugata ng 27 iba pa.

Base sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang aksidente ay kinasasangkutan ng tatlong bus, dalawang passenger car at isang ambulansya.

Ayon kay Ambassador to Russia Carlos Sorreta, napag-alaman na ang biktimang si Jennifer Francisco Lavapiez ay kabilang sa pasaherong nasaktan sa aksidente dahil sa impormasyon na naka-post sa Facebook.

Agad naman nakipag ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa kinauukulan at nasa maayos na umanong kondisyon si Lavapiez sa hospital sa Astana. Tinutulungan din umano ito ng kanyang employer.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment