PANAWAGAN NG CBCP SA GOBYERNO KALIWA DAM PROJECT IBASURA

IPINATITIGIL ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang konstruksiyon ng Kaliwa Dam sa Quezon na popondohan ng loans mula sa China.

Sinabi ng CBCP sa isang statement noong Pebrero 26 na makapipinsala ang proyekto sa kalikasan at magdudulot  lamang ng malaking gastos sa pamahalaan.

“The Church is not against development as long as it does not sacrifice the ‘common good’  in the name of progress,” wika ni Bishop Romulo Valles ng Davao.

“The ongoing Kaliwa Dam project of the government, in the guise of providing water to Metro Manila, is to our mind against inclusive development,” sabi pa ni Valles.

Binigyang-diin niya na tumututol ang mga obispo sa proyekto dahil wawasakin nito ang biodiversity ng Sierra Madre Mountains, ang tahanan ng Dumagat-Remontados tribe.

Ayon sa CBCP, mas makabubuting humanap na lamang ng akmang tugon sa lumalalang problema ng kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila na base na rin sa mungkahi ng mga eksperto.

“We, therefore, call on the government agencies concerned and other proponents of the Kaliwa Dam project to stop its implementation,” nakasaad sa statement ng mga obispo.

Hiniling din ng Simbahan na rebisahin ang proyekto para maitama ang mga kamalian nito. “For the sake of the common good, we strongly recommend that ecologically sustainable alternatives be carefully considered,” dagdag pa ng CBCP.

Nauna nang ibinabala ni Antipolo Bishop Francisco de Leon ang panganib ng itatayong dam sa komunidad ng mga katutubong naninirahan sa Dumagat-Remontados sa kabundukan ng Sierra Madre.

Aniya, mahigit 300 ektarya ng kagubatan sa Sierra Madre ang maaaring lumubog sa tubig na magdudulot naman ng panganib sa 126 wildlife sa kabundukan.

Sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ang Kaliwa Dam ay magbibigay ng karagdagang 34 million liters ng tubig araw-araw sa mga lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa kabila nito ay umani ng batikos ang proyekto mula sa simbahan at iba’t ibang environmental groups.

Noong 2018, hindi bababa sa 51 Catholic bishops at apat na pari ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa isang pastoral letter na nilagdaan ng mg obispo ng Infanta, Quezon na may titulong “No to Kaliwa Dam, Yes to Alternative Sources of Water.”

Bukod sa mawawasak na kalikasan, nagbabala rin ang mga kritiko na ang proyektong pinondohan ng China ay magbabaon  sa Pilipinas sa utang. SAKSI NGAYON NEWS TEAM

Related posts

Leave a Comment