‘NO TO BOL’ WAGI SA LANAO DEL NORTE

BOL7

WAGI ang botong ‘no’ sa Bangsamoro Organic Law matapos madomina ng mga residente ng Lanao Del Norte ang pagtutol na mapabilang ang anim na bayan sa kanilang lalawigan sa itatatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), base sa canvassing of votes na natapos nitong Huwebes.

Anim na bayan — kasama ang Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan, at Tangcal — ang nagpetisyon na mapabilang sa BARMM pero kailangan muna nila ang pahintulot ng buong lalawigan.

Nanalo ang “yes” sa anim na bayan at sa tatlong iba pa. Pero 13 o mas maraming bayan sa lalawigan ang bumoto ng “no,” ayon sa Commission on Elections (Comelec) Provincial Board of Canvassers.

Related posts

Leave a Comment