MILITAR BUMATI KAY COL. PACQUIAO

pacpac4

(NI JESSE KABEL)

AGAD na nagpahatid ng kanilang pagbati sina Armed Forces chief of staff Gen Benjamin Madrigal Jr. at Philippine Army chief Ltgen Macairog Alberto kay Pambansang Kamao Senador Manny Pacquiao nang matagumpay niyang maidepensa ang kaniyang World Boxing  Association (WBA)  Welterweight Championship belt kontra kay American boxer Adrien Broner via unanimous decision kahapon oras sa Pilipinas.

Halos nagkaisa ang tatlong ring judges sa inilabas nilang scorecard na 117-111, 116-112, 116-112 pabor kay Paquiao na isang Army reserved colonel.

Dahil dito, ito na ang ika-61 na panalo ni Pacquiao sa kaniyang 70 professional fights.

Sa kabila ng agwat sa edad, pinaulanan ng suntok ni Pacquiao ang American challenger.

Naganap ang bakbakang Pacman-Broner sa MGM Grand Arena sa Nevada, USA.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment