KONGRESO SINISI SA KORAPSYON SA IMMIGRATION

BI modernization 12-taong tinulugan

HINDI na nagtaka ang isang mambabatas kung talamak pa rin ang katiwalian sa Bureau of Immigration (BI) dahil 15 taong tinulugan umano ng Kongreso ang modernization bill sa ahensya.

Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin, simula 14th Congress o noong 2007 hanggang 2010 ay tinangka na umano ng mga mambabatas na ireporma at i-overhaul ang BI dahil sa mga katiwaliang nangyayari rito.

“The best attempt or near-hit was in the 14th Congress. That time, the Senate agreed on a conference committee report,” ani Garbin subalit hindi naratipikahan kaya hindi umabot sa mesa ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Muli itong tinangkang ipasa noong 15th Congress hanggang noong 17th Congress o taong 2016 hanggang 2019 subalit hindi pa rin naipasa sa hindi malamang kadahilanan.

Ayon kay Garbin, kung maipapasa ang nasabing panukala, magkakaroon ng internal affairs service sa BI na siyang mag-iimbestiga, maghahain ng kaso laban sa kanilang mga tauhan na masasangkot sa katiwalian. BERNARD TAGUINOD

Related posts

Leave a Comment