HALOS 15-K PULIS ITATALAGA NG NCRPO SA SEAGAMES 

(NI ROSE PULGAR)

NASA 14,800 unipormadong pulis ang itatalaga ng National Capital Region Police (NCRPO) para magbigay ng seguridad sa gaganapaing ika-30 Southeast Asian Games na iho-host ng Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay NCRPO Director Police Maj. Gen Guillermo Eleazar,  nasa 12 sa 22 sports venue na tinukoy ng Philippines SEAG Organizing Committee na gagamitin ay nasa Metro Manila.

Sinabi ni Eleazar, handa na rin ang lahat ng venues maging ang seguridad na ilalatag sa lahat ng venues.

Aniya, ang mga Chief of Police at Station Commanders na nagsagawa na ng Security and Survey Inspection (SSI) sa mga lugar na pagdarausan ng nasabing palaro.

Gaganapin ang iba pang sports events ng SEA Games sa New Clark City Sports Complex sa Capaz, Tarlac, Bulacan, Laguna, Tagaytay at Subic.

Huling nag-host ang Pilipinas ng SEA Games noong 2005 kung saan nakamit ng mga Pilipino ang overall championship.

Opisyal na magbubukas ang SEA Games sa Nobyembre 30 at magtatapos sa Disyembre 11 kung saan inaasahan na higit sa 10,000 atleta ang magtatagisan sa iba’t- ibang sports discipline para sa medalya.

Bukod sa Pilipinas, ang iba pang bansang kalahok sa SEA Games ay ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor-Leste, at Vietnam.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment