GUN PARTS NASABAT SA NAIA

(NI FROILAN MORALLOS)

NAKASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang rifle parts na idineklarang buckle iron decoration.

Ayon sa pahayag ni NAIA Customs district collector Mimel Talusan, aabot sa 20 rifle hand guards, at anim na hand guard locks ang nadiskubre ng mga examiner na nakapaloob sa isang package sa bodega ng DHL na sinasabing galing sa Shanghai, China.

Sinabi ni Talusan na sa ilalim ng Sections 119, 1400 and 1113 of R.A. No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at ng Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act), ipinagbabawal ang mag- import o pag-export ng baril , gun parts and ammunition nang walang pahintulot  o clearance mula sa pamahalaan.

Ang mga nakumpiskang rifle parts ay nakatakdang i-turn over sa pamunuan ng PNP-Firearms and Explosive Unit para pakinabangan at for proper disposition.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment