‘HAZING‘ SA NAMATAY NA KADETE; TYAK MAY MANANAGOT – PNP

(NI AMIHAN SABILLO, NICK ECHEVARRIA)

(UPDATED)

TINIYAK ng pamunuan ng  Philippine National Police (PNP) na mayroong mananagot at makakasuhan sa pagkamatay isang kadete sa PMA kung may ebidensya ng foul play.

Ayon Kay Banac, ayaw pang magsagawa ng  ‘hasty conclusion’ ang PNP sa dahilan ng pagkamatay ni cadet Darwin Dormitoryo nitong Miyerkoles.

Sinabi pa ni Banac na “We do not want to make hasty conclusions as yet, but if any evidence of foul play or criminal action is present, the PNP will initiate criminal prosecution of parties involved without prejudice to the requirements of the military justice system.”

Pero kung may ebidensya na may krimen na nangyari,  maglulunsad ng criminal proceedings ang PNP laban sa mga suspek na hiwalay sa prosesong itinatakda ng military justice system.

“PNP will provide technical support to the ongoing homicide investigation by the PMA and Baguio City Police Office through forensic examination of evidence and autopsy of the body with the permission of the victim’s family,” pahayag pa ni Banac.

Nauna na din iniulat ni P/BGen Ephraim Dickson, PRO-Cordillera Regional Director, na may tatlong persons of interest ang kasalukuyang sumasailalim sa custodial investigation ng pamunuan ng PNP.

Iniulat din ni Dickson na base sa medico-legal findings, namatay si Dormitoryo sa cardiac arrest sanhi ng internal bleeding, at may mga pasa ito sa tiyan na maaring indikasyon na ito ay sinuntok o tinadyakan.

Samantala, inatasan ng pamunuan ng PNP ang Crime Lab Baguio na bigyan ng technical support ang Baguio City Police sa kanilang imbestigasyon sa pamamagitan ng forensic examination ng mga ebidensya at pagsasagawa ng autopsiya sa biktima na may permiso ng pamilya.

HAZING, IKINAMATAY NG KADETE SA PMA – PNP

HAZING ang dahilan ng pagkamatay ng isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City, ito ang kinumpirma ng Philippine National Police (PNP).

Sa report ni Police Regional Office (PRO)-Cordillera Director P/BGen. Ephraim Dickson, nakitaan ng 3 tama sa katawan ang bangkay ng 20-anyos si Darwin Dormitorio, isa sa sikmura, sa puson at nagkaroon din internal hemorage.

Inaalam din ngayon sa imbestigasyon kung totoo na kinuryente ang biktimang si Dormitorio na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Samantala, 3 persons of interest naman na pawang mga upper class ng biktima ang hawak na  ng PMA at isinailalim sa kanilang restrictive custody.

Dalawa sa mga itinuturing na persons of iNterest ay pawang 3rd class  ni Dormitorio habang 1st class naman nito ang isa pa.

Lumalabas na cardiac arrest secondary to internal hemorrhage ang ikinasawi ni Dormitorio matapos itong dumaing na masakit ang tiyan at biglang nagsuka.

Matatandaan na  natagpuang walang malay sa Room 209 ng Mayo Hall Annex ang plebo na si Dormitorio na naisugod pa sa hospital at sinubukang i-revive subalit namatay din.

Sa ngayon ay kinordon na ng mga awtoridad ang nasabing kwarto na itinuturing na crime scene.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment