FDA NAGBABALA VS ONLINE BEAUTY PRODUCTS

fda12

(NI FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa kaliwa’t kanan pagsulpot ng mga online beauty products sa mga retail platforms o social media ay nagbabala ngayon ang pamunuan ng Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili ng mga pampaganda at pampaputing produkto online.

Ayon kay officer-in-charge Eric Domingo, dapat na mayroong Certificate of Product Registration mula sa FDA at hindi maaring ibenta ang isang produkto kung hindi naman ito nakarehistro.

Ang pagbebenta ng gamot online o beauty products na hindi rehistrado ay maituturing umanong iligal at may kaukulang parusa.

Samantala, nauna nang nagbabala ang FDA sa mga gamot naman na nabibili online, lalo pa at walang guarantee kung ang mga gamot na ibinibenta sa internet ay tunay.

Dagdag pa nito, kailangan umano ng seller na may existing FDA-licensed pharmacy na may physical address.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment