‘DI LANG PANG-SPORTS; ATLETA SA POLITIKA

alvin12

SA Pilipinas, gahibla lang ang pagitan ng politika, showbiz, at sports.

Mayroong mga dating atleta na naging artista, atletang naging politiko, o kaya’y atleta na naging artista at kinalaunan ay naging politiko.

Pinakasikat na atleta na naging artista at politiko siyempre pa ay si Senador Manny Pacquiao. Pero maliban sa kanya, maraming iba pang atleta o may kinalaman sa sports ang pumalaot na rin sa politika.

Ngayong 2019 midterm elections, maraming incumbent at ang iba ay bagitong kandidato sa iba’t ibang posisyon ay galing sa basketball, volleyball, boxing, at iba pang sports.

Ilan sa mga basketball players at coaches na kandidato ngayong eleksiyon ay sina dating PBA star Vergel Meneses; San Miguel, Alaska, at Alab Pilipinas player Dondon Hontiveros;  dating PBA veteran Don Allado at katandem nitong si Green Archer Francis Zamora; PBA legend at dating Purefoods franchise player Alvin Patrimonio;

Gilas Pilipinas at NLEX head coach Yeng Guiao; PBA legend at ngayon ay isa sa San Miguel Beer deputies Renato Agustin; dating Beerman at UAAP coach Franz Pumaren; MPBL Marikina Shoemasters coach Elvis Tolentino; Phoenix Fuel Master coach Ariel Vanguardia; at Philippine U18 Girls team assistant coach Denden Velez

Mula sa volleyball naman ay nariyan sina dating University of the Philippines standout at dating Senator Pia Cayetano, at ex-Ateneo setter at current national team player Ish Polvorosa.

Sa boxing, gustong sumunod sa yapak ni Sen. Pacquiao ang dating lightweight contender at nakababatang kapatid niya na si Bobby Pacquiao.

Ang aktor na si Monsour del Rosario ay naging representative ng bansa sa Taekwondo, habang sa fencing naman ang dating sikat na matinee idol na si Richard Gomez.

Si Rene Tongson naman ay senior master ng International Modern Arnis Federation of the Philippines.

Sina PBA team owner at dating La Salle basketball player Mikee Romero, ex-UP basketball player Martin Reyes, at national weightlifting association chief Monico Puentevella, matapos ang kolehiyo ay pumasok agad sa politika.

Mayorya sa mga nabanggit na kandidato ay naging manlalaro sa UAAP, NCAA at CESAFI. Ang iba ay representative pa ng Pilipinas sa international sporting events–si Gomez ay naging Southeast Asian Games gold medalist sa men’s fencing epee event, at si Tongson ay naging grandmaster ng International Modern Arnis Federation.

Sa mga nabanggit na atleta at coaches, tanging si Cayetano ang tumatakbong senador at ang iba pa ay kandidato sa Kongreso at iba’t ibang local posts.

 

Related posts

Leave a Comment