DEFENSE TALKS SA US ‘DI PIPIGILAN

HINDI pagbabawalan ng Malakanyang si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na talakayin ang defense matters sa American counterpart nito.

Ito’y sa kabila ng hindi nababagong posisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wakasan na ang Visiting Force Agreement (VFA) sa Estados Unidos.

“You cannot stop the ambassador from entertaining talks or initiatives coming from his counterpart.

That’s diplomacy,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo bilang tugon sa tanong kung ipag-uutos ng Malakanyang kay Romualdez na iwasan ang pagtalakay o mapag-usapan sa kanyang American counterpart ang posibilidad na pagpasok sa bagong defense deal kapalit ng VFA.

Maaari rin aniyang ang counterpart ni Romualdez ang gumagawa ng hakbang para magkaroon ng bagong kasunduan ang Amerika at Pilipinas. CHRISTIAN DALE

Related posts

Leave a Comment