COAST GUARD NAKAALERTO NGAYONG HOLIDAY SEASON

(NI JESSE KABEL)

IPINAG-UTOS  ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ilagay sa heighted alert ang buong puwersa ng Philippine Coast Guard ngayong Christmas season.

Sa direktiba ng DOTr,  naka- heightened alert ngayon ang  Philippine Coast Guard sa lahat ng pantalan sa bansa sa buong panahon ng yuletide season .

Ayon kay PCG Commandant Admiral Joel Garcia, ito ay bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019” na pinasimulan nila ngayong Lunes at paiiralin hanggang January 5, 2020.

Layunin ni Tugade na masigurong ligtas at komportable ang lahat ng transportation services para sa publiko.

“All PCG units are directed to be on heightened alert and intensify safety and security measures on national ports and ferry terminals this Christmas season to ensure the orderly operations of all sea transport facilities; the safe and convenient  travel of the riding public; and the security at beaches and local resorts,” pahayag pa ni Adm.  Garcia.

Bunsod nito, naka-deploy na rin ngayon ang lahat ng assets ng PCG sa mga pangunahing pantalan sa bansa partikular ang kanilang  55-meter multi-mission offshore vessels, siyam na 44-meter multi-role response vessel, anim na 30-meter monitoring control surveillance vessel, dalawang 35-meter search and rescue vessels, at tatlong 24-meter fast patrol boats.

Nakahanda rin ang maliliit na sasakyang-pandagat tulad ng dalawang 12-meter high speed boat, sampung seven-meter rigid hull inflatable boats, at ilang aluminum at rubber boats para rumesponde sakaling magkaroon ng hindi inaasahang insidente.

Bunsod nito, inihayag din ng DOTr na 24-oras na nakaalerto ang Special Operations Forces, Harbor Patrols, at Ship Inspectors sa mga pier at iba pang daungan sa bansa.

Bukod dito inihayag din ni Garcia na mayroon ding mga tauhan ng PCG sa mga Malasakit Help Desk sa mga pantalan sa buong bansa na kaagapay ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang masiguro na walang maritime incident o casualty ngayong Kapaskuhan.

 

Related posts

Leave a Comment