BOC EXAMINER SIBAK SA HIGIT P1-M KOTONG

customs naia12

(NI KOI HIPOLITO)

SINIBAK sa puwesto ni Bureau of Customs NAIA District Collector Carmelita M. Talusan si BOC Examiner/Customs Operations Officer III Carmelito D. Mantal na nakatalaga sa Arrival Operations Division ng Port of NAIA dahil sa alegasyon ng pangingikil sa isang biktimang pasaherong Korean national sa loob ng Ninoy Aquino International Air port .

Ayon sa sulat ni Atty. Lourdes Mangawang, Deputy Collector for Passenger Service, isang Korean national na si Lee Sungchul ang dumating sa bansa sakay ng Flight 535057 galing Japan.

Inireklamo nito ng extortion si Mantal na humihingi diumano ng halagang Thirty million yen o higit isang milyon piso sa nasabing biktimang dayuhan na agad naman pinabulaanan ng inirereklamong empleyado ng BOC.

Gayunman, nang tingnan ang CCTV malapit sa lugar ng insidente ay nakitang may basehan ang reklamo ng dayuhan laban kay Mantal.

Dahil dito agad na kinumpiska at kinansela ang MIAA ID/Access Pass ng suspek at binawalan na rin itong magsagawa ng Authority to Render Overtime Service o (ATROS) at inalis na rin ito sa kanyang puwesto habang iniimbestigahan ang kasong isinampa laban sa suspek.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment