BINABANTAYANG LPA, PASOK NA SA PAR

NAKAPASOK na sa Phillippine Area of Responsibility o PAR ang binabantayang Low Pressure Area (LPA).

Batay sa weather update ng Phillippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong 670 kilometro sa Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Nasa karagatan pa ang LPA kaya’t wala pa itong direktang epekto sa anomang parte ng bansa.

Dagdag pa ng PAGASA, mababa ang tsansa na lumakas ang LPA at maging isang bagyo.

Hindi rin inaasahang tatama ang LPA sa bansa subalit sa paglapit nito ay asahan na magdudulot ito ng pag-uulan sa Silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Gayunman, mananatili aniya ito sa gitna ng Philippine Sea bago tuluyang malusaw habang patuloy na nakaaapekto ang northeast monsoon o amihan sa buong Luzon. (JG Tumbado)

Related posts

Leave a Comment