9 sa 24 STRANDED SA RIYADH NAKAUWI NA NG PINAS

ofw12

(NI KIKO CUETO)

NAKAUWI na rin sa Pilipinas matapos ang ilang taon, ang nasa 26 na Pinoy na na-stranded sa Riyadh, Saudi Arabia.

Inakusahan ang mga OFWs ng pagnanakaw ng kanilang kompanya.

Sinabi ni Labor Attache Nasser Mustafa ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, na napauwi nila ang siyam na OFW matapos silang makakuha ng pahintulot sa Saudi Labor Office na mailagay sila deportation center.

“Masaya kami at may nauna nang siyam na nakauwi kamakailan matapos silang mabilhan ng OWWA ng pamasahe sa eroplano. Habang hinihintay pa namin na maisyuhan ng visa ang 13 pang naiwan,” sabi Mustafa.

Sa report, napag-alaman na nagpasya naman ang apat pang OFW na magpaiwan para ipagpatuloy ang pagharap sa kanilang dating pinagtatrabahuhan sa korte.

Ayon kay Mustafa, humingi ng tulong sa POLO ang grupo matapos silang akusahan ng kanilang kompanya ng pagnanakaw.

Kaagad umano silang nagbigay ng tulong tulad ng pagkakaloob ng mga personal na pangangailangan at pagkain dahil dalawang taon umanong inipit ang kanilang mga sahod.

“Inaasahan namin na makauuwi na sa lalong madaling panahon ang mga naiiwan pa kaya ‘wag po mag-alala ang kanilang mga mahal sa buhay,” pagtiyak ni Mustafa.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment