8 PUGANTENG CHINESE SA ONLINE GAMES HULI NG BI

(NI FROILAN MORALLOS)

IPATATAPON palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI), ang walo pang puganteng Chinese national na wanted sa People’s Republic of China kaugnay sa mga kasong economic crimes sa kanilang bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na ang walong Chinese ay na-aresto sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) sa isang condominium malapit sa Circuit Shopping Complex sa Brgy. Carmona, Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina He Ying, Wang Yaoguang, huang Tiancan, Lu Xiaoyu, Gong Xiaofei, Chu yingshiuang, He Mei at Shan Hongwei.

Batay sa report na nakarating kay Morente mula sa Chinese Embassy dito sa Pilipinas, ang walong pugante ay may kasong economic crimes sa kanilang bansa.

Sangkot din ang mga ito sa fraudulent mobile application na kung tawagin sa China ay  ‘Fast 3 Lottery’.

Dagdag pa ng Chinese Embassy, libu-libong kapwa Chinese ang naging biktima ng mga suspek sa kanilang ilegal na operasyon sa pamamagitan sa pagtaya sa online game of chance ng grupo.

Napag-alaman mula sa Embahada ng China na kumita ang grupo ng aabot sa bilyones sa kanilang raket.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment