6 OFW PAPUNTANG BEIRUT HINARANG SA ILOILO AIRPORT

ofw12

(NI FROILAN MORALLOS)

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Iloilo International Airport ang anim na Pinay na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking .

Ayon sa report na nakarating kay BI Commissioner Jaime Morente , hinarang itong anim na babae ng Immigration Officers noong Dec. 1 sa departure area ng naturang paliparan .

Sa inisyal na imbestigasyon, inamin ng mga ito na pagdating sa Hongkong sasakay sila sa kanilang connecting flight papuntang Beirut , kung saan magtratrabaho sila bilang mga household workers .

Ayon naman kay Timotea Barizo , hepe ng Travel Control Enforcement Unit (TCEU) , naaresto ang mga biktima sa tulong ng isang concerned citizen na tumawag sa opisina ng Inter-Agency Council Against Trafficking (iACAT) upang maharang ang mga ito.

Ang mga biktima ay dinala sa opisina ng IACAT para sumailalim ng imbestigasyon , kasabay ang ibibigay na tulong ng pamahalaan .

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment