6 CHINESE NATIONAL HULI SA KIDNAPPING, BRIBERY

nbi12

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

ANIM na Chinese National ang binitbit ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), na sangkot sa kidnapping ng kanilang kababayan at panunuhol sa mga awtoridad, sa Paranaque City.

Nauna nang natimbog ng  NBI-Cybercrime Division noong  Mayo 31,ang mga suspek na sina Junrong Jia, Xurjian Li at Quijin Tian makaraan umanong idetine ang tatlo nilang kababayan sa isang hotel sa Paranaque City.

Modus operandi ng grupo na hikayatin ang kanilang kababayan na magsugal at kapag nagkautang na ang mga ito ay idedetine at tatawagan ang kanilang kamag-anak sa Beijing ,China at pagbabayarin ng ransom na higit na mas malaki sa pinahiram nilang pera na ipinang-sugal ng biktima.

Nabatid sa NBI na nakakumpiska sila ng  dalawang skimming devices, mga blangkong cards, security strips, smartphones, USB, holographic stickers at mga identification cards.

Batay kay NBI Deputy Director for Services Ferdinand Lavin, nakautang umano ang mga biktima ng may P1.5 milyon ngunit P7 milyon ang hinihingi nilang kabayaran para mapalaya ang mga biktima.

Nang dalhin sa NBI headquarters para sa imbestigasyon ,inalok umano ng mga suspek ang mga ahente ng NBI ng P500,000 suhol para sila palayain.

Kinabukasan, nagpunta sa tanggapan ng NBI-CCD sina Peter Lim Santos,Wang Liping at Au Pang Liang, para ibigay ang pera, kaya agad na isinagawa ang isang entrapment operation. Nahaharap sa kasong Kidnapping at paglabag sa RA 8484 (Access Device Regulation Act) sa Paranaque Prosecutors Office sina Jia,Li at Tian.

Habang paglabag naman sa Article 212 sa ilalim  RPC,ang isinampa kina Santos sa Manila Prosecutors Office.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment