5 PATAY SA AKSIDENTE SA QUEZON, CAGAYAN

accidentsign1

(NI JG TUMBADO)

LIMA katao ang nasawi sa mga aksidente sa Tayabas City, Quezon at Cagayan province habang may ilan pa ang sugatan.

Dedbol ang dalawang motor rider nang masalpok ng rumaragasang kotse sa Barangay Camaysa sa Tayabas City, Quezon dakong alas-8:05 ng umaga ng Sabado.

Kinilala ang mga nasawi na sina Angelo Villa Juan at ang kanyang angkas na si Sally Elpa, kapwa residente ng Barangay Ipilan, ng nabanggit na lungsod.

Batay sa paunang imbestigasyon, parehong mabilis na nagpapatakbo ang kotse at motorsiklo sa magkabilang linya ng national road ng nasabing barangay nang mag-overtake umano ang motor at nabulaga sa paparating na kotse.

Sa lakas ng impact, tumilapon sa bangketa ang mga biktima na bagamat naisugod sa ospital ay hindi na umabot nang buhay.

Ayon kay Police Master Sergeant Carlito Bantug Jr., Tayabas police investigator, parehong walang suot na helmet ang mga biktima.

Samantala, tatlo ang namatay sa banggaan ng isang passenger van at trailer truck sa national road ng Barangay Naruangan, bayan ng Tuao, Cagayan province, Biyernes ng gabi.

Dead on the spot ang drayber ng van na si Arnel Ulakit habang sa ospital na pumanaw si Michael Ulakit at ang isang babae na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Police Staff Sergeant Voltaire Cabbangan, Tuao police investigator, pitong pasahero ang nasaktan sa aksidente na isinisisi rin sa malakas na pag-ulan sa lugar na nagdulot ng madulas na kalsada.

Lumabas sa imbestigasyon na kumabig ang drayber ng trak na si Jessie Dumenden sa linya ng van matapos na iwasan nito ang nakalaylay na kawad ng kuryente sa kanyang daraanan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment