4 OPISYAL SA ‘NEGROS MASSACRE’ SINIBAK

negros oriental

(NI JG TUMBADO, NICK ECHEVARRIA)

APAT na opisyal sa sinasabing Negros massacre ang sinibak, Martes ng tanghali, habang iniimbestigahan ang kaso sa pagpatay umano sa 14 sinasabi nilang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA).

Gayong sinabi ng kapulisan na lehitimong police operations ang naganap, may mga saksi umano ang lumutang na nagsabing pinagpapatay ng mga pulis ang mga biktima na ilan ay matatanda nang magsasaka sa lugar.

Kabilang sa sinibak sa tungkulin sina:

PCOL RAUL TACACAPD, Negros PPO,

 

PLTCOL PATRICIO DEGAY

COP, Canlaon CPS, NOPPO

 

PLT KEVIN ROY MAMARADLO

COP, Manjuyod MPS, NOPPO

 

PCAPT MICHAEL RUBIA

COP, Sta Catalina MPS, NOPPO

(Details to follow)

     SINIBAK NI ALBAYALDE

SINIBAK  sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang apat na  police officers sa Negros Oriental upang bigyang-daan ang imbestigasyon kaugnay sa pagkakapatay sa 14 katao sa nabanggit na lalawigan at pagkaaresto sa 12 iba pa sa Canlaon City noong Sabado.

Sinibak sa tungkulin sina  P/Colonel Raul Tacaca, Negros Oriental Provincial Director, P/Lieutenant Colonel Patricio Degay hepe ng Canlaon City  , P/Lieutenant Kevin Roy Mamaradlo  chief  ng Manjuyod municipal police station at P/Captain Michael Rubia na hepe naman ng Santa Catalina police station.

Ang pagsibak ay ginawa ni Albayalde sa kabila ng kanyang pahayag noong Lunes na legitimate operations ang ginawa ng mga tauhan ng PNP sa bisa ng mga search warrants mula sa korte.

Sa report ng  regional director  ang mga napatay ay may mga dati na umanong  kaugnayan at ginagamit ng mga rebelde.

Sinabi rin ni Albayalde na ilan sa  mga sinasabing magsasaka na napatay ay maaaring magsasaka sa araw subalit NPA naman kung gabi, hindi rin aniya nangangahulugan na ang isang magsasaka ay wala nang maaaring maging kaugnayan sa mga rebelde.

Binigyang-diin  din ni Albayalde na hindi massacre ang naganap na pagpatay sa 14 na mga biktima dahil nangyari ito sa magkakahiwalay  at hindi sa iisang lugar at kung may intention aniya ng massacre dapat patay din yung 12 naaresto.

Gayunman ipinabatid ng hepe ng pambansang pulisya na iimbestigahan ng Internal Affairs Service ng PNP ang posibleng pagkakaroon ng lapses ng pulisya sa panahon ng operasyon.

Idinagdag pa ni Albayalde na bukas ang PNP sa anumang imbestigasyon at maging ang mga kasama mismo sa perasyon aniya ay nakahandang humarap sa pagsisiyasat para patunayan na lehitimo ang nangyaring police operation.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment