4-ANYOS ANAK NG PULIS, NALUNOD SA RESORT

lunod2

(NI JG TUMBADO)

SINASABING nalingat sa pagbabantay ng magulang ang naging dahilan kung kaya’t nasawi ang apat na taong gulang na lalaki nang malunod habang naliligo sa isang swimming pool sa bayan ng Alicia, Isabela.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor ang buhay ng biktima na tinukoy na si Joven Rein Gines ng isugod ito sa Lucas-Paguila District Hospital.

Nabatid kay Police Captain Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela Provincial Police Office (IPPO), nangyari ang insidente sa Chormel Resort sa Barangay Sto. Tomas, Sabado ng gabi.

Lumalabas sa report na hindi napansin ng magulang ang batang biktima na nagtungo na pala ito sa pangmatandang swimming pool.

Pero paliwanag ng ama ng biktima na si Police Lieutenant George Gines, agad sinagip ang bata mula sa pool at binigyan ng first aid bago dalhin sa naturang ospital.

Inaalam naman ng pulisya kung may nakabantay na lifeguard o wala sa resort ng mangyari ang pagkalunod ng bata upang madetermina kung papanagutin ang may ari ng resort kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment