20 TONELADANG KARGAMENTO SINUNOG NG BOC-NAIA

(NI KOI HIPOLITO)

BILANG plano sa pagluwag ng mga bodega o storage facilities ng BOC-NAIA, sinira at sinunog ang 20 tonelada ng mga hindi na ligtas at inabandonang mga kargamento nitong araw ng Miyerkoles sa Brgy. Aguado, Trece Martires sa Cavite.

Base sa report ni Port of NAIA District Collector Carmelita M. Talusan, ang pagsira sa mga hindi na ligtas na mga kargamento ay ayon narin sa kautusan ni Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, para umano mapaluwag ang mga bodega ng mga inabandona at iligal na mga kargamento at para narin mapabilis ang kalakalan sa Port of NAIA.

Sinabi ng Auction and Cargo Disposal Division (ACDD)-NAIA na ang mga shipment ay binubuo ng mga sirang computer parts, expired vitamims, medicines at mga pagkain na walang mga kaukulang food and drug clearances na hindi na puwedeng gamitin at kainin ng mga tao. Habang ang iba naman ay dumating sa bansa na meron nilabag na batas at hindi maaring ibenta sa public auction.

Gamit ang thermal decomposer (Pyrolysis) ay isinailalim ang condemnation sa pasilidad ng Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa pakikipagtulungan ng Food and Drugs Administration (FDA), Optical Media Board (OMB) National Telecomunication Commission (NTC) at ng Commission on Audit (COA).

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment