2 BAGYO PARA MAPUNAN ANG ‘WATER CRISIS’

ulan1

UMUULAN man sa ilang panig ng Mindanao, hindi pa rin umano ito sapat para matugunan ang matinding tagtuyot na nararanasan sa ibang panig ng bansa, ayon sa weather bureau.

Ayon sa Pagasa, sa ilang bahagi lamang ng Mindanao ramdam ang ulan na dala ng LPA.

Sinabi ni Pagasa hydrologist Richard Orendain na kailangan ng isa hanggang dalawang bagyo para mapunan ang kakulangan ng tubig sa mga dam na pinagkukunan ng inuming tubig at irrigation supply.

Isa sa nakikitang paraan ni Orendain ay pagbawas ng alokasyon sa mga patubig at paglalaan ng higit na maraming water volume para sa mga residenteng nangangailangan, lalo na kapag pumasok ang peak ng El Nino phenomenon.

Related posts

Leave a Comment