WANTED SA RAPE NALAMBAT

NASAKOTE makalipas ang mahigit isang taong pagtatago ang No. 6 sa talaan ng most wanted persons ng Navotas City nang bumisita ito sa kanilang bahay.

Dinakip dakong alas-7:00 ng gabi noong Biyernes ang suspek na si Jaymart Gozon alyas “Bench Evo” nang maispatan malapit sa kanilang bahay sa  #3 Dr. Bausa St., Brgy. Bagumbayan South.

Hindi pumalag ang biktima nang isilbi ng mga pulis ang warrant of arrest na inisyu ni Navotas Regional Trial Court (RTC) Judge  Ronald Torrjos ng Branch 288 para sa two counts ng rape at paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act na inisyu naman ni Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Malabon RTC Branch 73 .

Ayon sa pulisya, ang two counts ng rape ay isinampa laban kay Gozon matapos akusahan ng isang 21-anyos na babae mula San Pedro, Laguna ng panggagahasa ng dalawang ulit noong Enero 3, 2019 sa bahay ng suspek.

Nang hindi mahuli si Gozon matapos magsampa ng reklamo ang biktima sa tanggapan ng Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), dinala ang kaso sa korte ni Assistant City Prosecutor Gilbert Cruz, at naglabas naman ng arrest warrant si Judge Torrijos laban sa suspek noong Mayo 6, 2019, at matapos ang masusing pagmamatyag ay nahulog si Gozon sa kamay ng batas. (ALAIN AJERO)

 

Related posts

Leave a Comment