WALANG KAYOD NA LOLO NADAKMA SA BATO

shabu123

ARESTADO ang isang karpinterong senior citizen nang luminya sa pagtutulak ng ilegal na droga nang mawalan ng trabaho, sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Pasay City, nitong Martes ng gabi.

Nauna rito, isang concern citizen ang nagtimbre sa Pasay City Police na may ilegal na sugalan gamit ang video karera sa Apelo St. sa nabanggit na lungsod.

Nang puntahan ng mga pulis ang naturang video karerahan, natiyempuhan ang senior citizen na si Rico Favia at runner nitong si Ismar Gigante, na nag-aabutan ng sachet na may lamang shabu.

Katwiran ni Favia, mahigpit ang kanyang pangangailangan dahil hindi na siya makapag-karpintero bunsod ng katandaan.

Nasamsan kina Favia at Gigante ang 11.68 gramo ng shabu na may halagang P 79,400.

Samantala, arestado rin ang isa pang umano’y tulak ng ilegal na droga na si Cheche Washington na kakalaya lang noong Nobyembre dahil din sa kaso ng droga, bunsod ng sumbong ng isang concerned citizen.

Siyam na gramo na umano’y shabu na may halagang P60,000, ang nakuha sa pouch ni Washington na ang kikitain aniya ay pangtustos sa gastusin ng mga anak niya. (DAVE MEDINA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment