UTOL SINUNDAN SA HUKAY

suicide

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

ISANG retiradong  manager ng banko ang nagkaroon umano ng depresyon nang mamatay ang kanyang kuya kaya’t nagdesisyon itong sundan sa kabilang-buhay ang kapatid, sa Valenzuela City, nitong Biyernes.

Nadiskubre ang bangkay ni Glenn Brecio Ruiz, 61, ng kanyang pamangkin na si Laarni Jeanne Ruiz, alas-10:00 ng umaga, na nakabitin sa comfort room  ng kanilang bahay sa 35 Sabino Alley Compound, Brgy. Maysan.

Kable ng kuryente na ipinulupot sa leeg ang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Kukuha sana ng damit si Laarni sa gilid ng kanilang bahay nang mapansin ang suicide note ng biktima kung saan nakasaad na sa banyo matatagpuan ang kanyang bangkay.

Humahangos na sinabi ni Laarni sa isang tiyahin ang nalaman at inutusan siya nitong humingi ng tulong sa barangay.

Sa  tulong ng mga tanod ay pinuwersa ang pinto ng banyo at bumulaga sa kanila ang bangkay ng biktima.

Diabetic ang biktima at dumanas ng  depresyon  mula nang mamatay ang kanyang kuya.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment