TULAK KALABOSO SA P.4-M BATO

arrested88

KALABOSO ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng mahigit P.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Malabon City, nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang dinakip na si Jonathan Swing y Aranas, 29, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa pulisya, dakong alas-2:50 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon laban sa suspek sa panulukan ng Dr. Lascano St. at P. Aquino St., Brgy. Tugatog, Malabon City.

Isang poseur buyer umano ang nakaiskor ng isang sachet ng shabu na tinatayang P1,000 ang halaga, kaya’t dinamba ng mga awtoridad ang suspek.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang limang sachet ng shabu na tumitimbang ng 61 gramo na may presyong P414,800 at buy-bust money. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment