TRANSGENDER HULI SA PALPAK NA BREAST, CHEEKBONE ENHANCEMENT

bading12

ARESTADO ang isang transgender na umano’y gumawa ng palpak na breast at cheekbone enhancement sa Pasay City.

Huli sa entrapment operation sa Pasay City ang suspect matapos siyang ireklamo ng medical malpractice.

Ayon kay Police. Lt. Col. Deanry Francisco ng Pasay City police, ikinasa ang operasyon matapos magsumbong ang 37 anyos na negosyanteng babae.

Ayon sa biktima, nakilala umano niya ang 34-anyos na suspect at naengganyo siya na magpagawa ng breast at cheekbone enhancement noong 2015.

Nagbayad umano siya ng P150,00 para sa dalawang procedure.

Gayunman, makalipas ang ilang taon, nakaramdam siya ng pangangati, pamumula, at pamamaga kaya kinontak niya ang suspek.

Kinalma naman umano siya ng suspect na tatanggalin ang itinurok na silicone at nag-alok ng panibagong procedure na butt enhancement.

Sa pagtatanong, nalaman ng biktima na walang lisensiya ang suspect kayat agad itong nagreklamo.

Sa entrapment operation, dinampot din ng mga pulis ang kasamang lalaki ng suspek. Nakuha sa kanila ang mahigit 60 syringe at mga bote ng artificial fats, alcohol, at pampamanhid.

Sinabi ng suspect na 10 taon na niyang ginagawa ang operasyon at ito umano ang ikinabubuhay niya.

Mahaharap siya sa reklamong estafa at paglabag sa Republic Act 2382 o Medical Act.

Related posts

Leave a Comment