TOTOY KRITIKAL SA BUGBOG NG 2 BULLY

(NI ALAIN AJERO)

NAKARATAY sa pagamutan ang isang totoy na nawalan ng malay nang mag-tag-team ang dalawa ring totoy at suntukin saka  hampasin ng bato sa ulo ang biktima dahil sa umiiba na umano ito ng barkada, sa Navotas City.

Nananatili sa Tondo Medical Center ang 15-anyos na biktimang itinago sa pangalang  Kevin, grade 10 habang isinailalim na sa pangangalaga ng Bahay Pag-asa ng Navotas City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang mga suspek na sina alyas Steph, 17, at Klay, 16.

Ayon sa pulisya, nagtalo muna sa loob ng San Rafael Technological and Vocational School sa Taliba Street, Road 2 corner Kalakal St., sa San Rafael Village, ang suspek na si Steph at biktimang si Kevin dahil kumakalas na umano sa barkada ang huli.

Paglabas ng paaralan nina Steph at Klay ay bumubulusok umanong sinuntok ni Kevin si Steph.

Sinalubong naman ng kamao ni Steph ang nguso ni Kevin kaya’t nawalan ng malay ang huli.

Nabatid na pumasok pa sa eksena ang suspek na si Klay at hinampas pa ng bato sa ulo ang wala nang malay na biktima.

Itinakbo si Kevin sa nasabing ospital habang dinakip ng mga pulis sina Steph at Klay bago inilipat sa kustodiya CSWDO.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment