TAXI DRIVER, HINOLDAP, PINASLANG SA PASAY

cabdriver12

(NI KOI HIPOLITO)

INAALAM  ng otoridad ng Pasay City Police Station ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pamamaslang sa isang taxi driver na natagpuan sa loob ng kanyang minamanehong taxi at iniwan sa lugar ng F.B. Harrison Avenue corner Gotamco St., Brgy. 16, Zone 1 sa Pasay City, dakong 9:30 ng gabi noon Miyerkoles.

Nakilala ang biktima na si Edgardo Egan, 54, residente sa No.696 Block 2, Nueve de Pebrero St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City, taxi driver ng Elpa Taxi Company na meron plaka na UVW-582.

Base sa ipinadalang report ng Buendia Police Community Precint (PCP-2) kay Pasay City acting Chief of Police Colonel Bernard R. Yang, isang tawag umano ang kanilang natanggap galing sa isang security guard na nakatawag pansin sa grupo ng mga kalalakihan na nakapaligid sa isang kulay puting kotse. Nang lapitan para alamin ang pangyayari ay nakita niya bangkay ng biktima.

Sinabi ni P/Cpl. Anthony Rico na posibleng hinoldap muna bago pinaslang ng hindi pa kilalang salarin ang biktima.

Limang saksak sa katawan ang tinamo ng biktima.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment