TAIWANESE NASALISIHAN SA MALL; P3-M NATANGAY

crime robber12

(NI KOI HIPOLITO)

NAGULANTANG ang isang babaeng Taiwanese national matapos madiskubre na nawawala ang kanyang shoulder bag na may laman ng mga pera at mga personal na gamit na hindi bababa sa P3 milyon na pinaniniwalaang tinangay ng hindi kilalang miyembro ng Salisi Gang sa loob ng department store sa Mall of Asia (MOA) Complex sa lungsod ng Pasay City, bandang alas-5:00 ng hapon nitong Biyernes.

Nakilala ang biktima na si Wu Ting Yi, pansamantalang nakatira sa 10F G Parkside Villas, Cluster C D, Villamor sa Pasay City.

Base sa report ng biktima sa Moa Police Community Precint (PCP), kasalukuyan umano siyang bumibili ng lipstick sa beauty products section kasama ang kanyang kaibigan na isa rin Taiwanese sa  loob ng nasabing department store nang ilagay niya sa push cart ang kanyang dark green na shoulder bag subalit ng makalipas lamang ang ilan sandali ay nadiskubre na ng biktima na nawawala na ang kanyang bag na naglalaman ng P2,000.000, Taiwan NT$ 20,000.00 at USD$ 10,000 isang I phone 7 cellular phone, Taiwan Passport, assorted keys at mga credit cards.

Agad na ipinaalam ng biktima ang  nangyaring insidente sa mga security guard ng nabanggit na establisimyento at itinawag sa mga otoridad inaalam na ngayon ng mga operatiba ng Station Investigation and Management Division (SIDMB) ng Pasay City Police Station ang pagkatao ng suspek na posibleng tumangay sa bag at pera ng biktima base na rin sa kuha ng mga cctv sa lugar at inilatag na ang isang follow up investigation para madakip ang suspek.

Related posts

Leave a Comment