SUNDALO NAGWALA; ARESTADO SA BARIL, BALA

huli

(NI MAC CABREROS)

ARESTADO ang isang security officer at Philippine Army reservist dahil sa pagwawala at pagpapaputok ng baril sa Pasig City.

Sasampahan ng kasong alarm and scandal at paglabag  sa RA10591 si Mark Anthony Garcia, 39.
Sa ulat, alas-4:45 ng hapon ng Linggo nang arestuhin si Garcia sa Sto. Nino St. corner Gate 3, SPS Compound, Brgy. Rosario, Pasig  City.

Nakatanggap ng impormasyon si Michael Mora, barangay security force, na may kaguluhan sa lugar kung saan may nagwawala at nagpaputok ng baril.

Humingi si Mora ng responde mula sa TMRU ng Pasig City Police na agad kumilos at napigilan ang pagwawala ni Garcia kung saan nakumpiska sa kanya ang isang caliber .45 pistol at magazine na may walong bala. Narekober din sa lugar ang isang basyo ng bala.

Nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya si Garcia habang  inihahanda ang dokumento sa pagsasampa ng kaso laban dito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment