SUNDALO HULI SA BUY BUST SA QC

(NI JEDI PIA REYES)

KALABOSO ang isang aktibong sundalo gayundin ang dalawang iba pa sa anti-illegal drugs operation sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Natukoy ang suspek na sundalo na si Staff Sergeant Rector Baguioso, miyembro ng 68th Infantry Battalion ng Philippine Army at kasama niyang dinampot sina Don Samson at Marilyn Gomez.

Nabatid mula kay Quezon City Police District Station 11 Commander Police Colonel Alex Alberto, target ng operasyon sina Samson at Gomez na una nang nabilhan ng pinaniniwalaang shabu ng isang poseur buyer sa bahagi ng Leo Street ng nasabing barangay.

Gayunman, naabutan din na bumibili umano ng ilegal na droga ang sundalong suspek kaya’t maging siya ay dinampot.

Nasamsam mula sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Maaaring maharap sa kasong administratibo maliban sa kasong kriminal ang suspek na sundalo.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment