SHABU TIANGGE OPERATOR ARESTADO SA NBP

shabu

(NI MAC CABREROS)

MULING ‘inaresto’ ng awtoridad ang tinaguriang ‘Drug King’ sa Eastern Metro Manila na kasalukuyang nakakulong sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Armado ng warrant of arrest na inilabas ni Pasig City RTC Branch 167 Judge Divina Gracia Lopez Pelino Jr., dinakip ng Warrant Section ng Mandaluyong City Police si Amim Imam Boratong, 47, dahil sa kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Act of 2001.

Si Boratong ay nakakulong sa NBP dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 0f 2002. Sinasabing siya ang nagpapatakbo sa shabu tiangge na nadiskubre ng awtoridad sa Pasig City.

Noong 2006, naaresto ng awtoridad si Boratong kasama ang kanyang asawa. Nahatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo at pagmumulta ng P10 milyon ng Pasig Regional Trial Court noong 2009.

Related posts

Leave a Comment