SEKYU INUMBAG NG 2 CHINESE

JAIL-1

KALABOSO ang dalawang lasing na Chinese national makaraang bugbugin ang isang security guard sa  6th floor ng Paseo Verde Condominium, Brgy. Pulanglupa 1, Las Piñas City kahapon ng madaling araw.

Ayon sa salaysay ng biktimang si Carlo Dalaguit, nagbabantay siya sa condominium nang dumating ang mga Chinese national na sina Li Feng Hau at Lem Liu na pawang nakainom ng alak.

Nagulat na lamang umano siya nang pagtripan ng mga suspek at pinagtulungan siyang bugbugin.

Bunsod nito, inireklamo niya ang mga suspek sa himpilan ng pulisya.

Agad namang nagresponde ang mga pulis at inaresto ang mga suspek. (DAVE MEDINA)

Related posts

Leave a Comment