SEAMAN PINATAY NG HOLDAPER SA MISMONG KAARAWAN

GUN-3

NALAGUTAN ng hininga ang isang seaman makaraang pagbabarilin ng dalawang hinihinalang mga holdaper at tinangay ang kanyang motorsiklo nitong Biyernes ng umaga sa Caloocan City.

Hindi na nakapagdiwang ng kaaarawan ang biktimang si John Paul Sargento, 25, ng Kingfisher St., Zabarte Subdivision, Novalichez, Quezon City, na hindi umabot nang buhay sa Jose N. Rodriguez Hospital, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Dakong alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Quirino Highway, harap ng MRT7 Depo Gate, Brgy. 163.

Ayon sa pulisya, tinutukan ng baril ang biktima, hinoldap ngunit pumalag kaya pinagbabaril ng mga suspek saka tinangay ang kanyang motorsiklo.

Napag-alamang suma-sideline si Sargento bilang motorcycle transport rider habang hinihintay ang kanyang pagsampa sa barko bilang seaman. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment