SAMPAGUITA ANG TINDA, SHABU ANG SIDELINE

arrested123

(NI MAC CABREROS)

ISANG dating police asset na nagtitinda ng sampaguita ang inaresto ng pulisya dahil sa pagbebenta ng shabu sa San Juan City.
Sa ulat na nakarating kay EPD director, BGen. Christopher Tambungan mula kay San Juan Police Chief, Col. Ariel Fulo, natimbog sa buy-bust si Romeo Royo alyas Miyo, 53, residente ng No. 22 F. Manalo
St., Brgy. Batis, San Juan City.

Sa ulat, naaresto si Royo alas-6:00 ng umaga ng Huwebes sa Blumentritt St., Brgy. San Perfecto, ng nasabing lungsod. Binanggit na nakalista sa drug watchlist si Royo dahil dating sumuko sa Oplan Tokhang.

Modus ni Royo na magbenta ng sampaguita para makapagtulak ng iligal na droga, dagdag pa sa ulat.
Nakakulong ngayon si Royo at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment