ROAD RAGE: DRIVER NANUTOK NG BARIL, ARESTADO

(NI MAC CABREROS)

PAGBIBIGAYAN ang diwa o mensahe ng Kapanganakan ni Hesukristo o Pasko. Pero, baligtad ang nangyari sa pagitan ng dalawang lalaki nang isa ang ‘nagregalo’ ng baril.

Ito’y matapos maaresto ng awtoridad si Geronimo Juliano,39, nang tutukan ng baril ang nakabanggaan ng sasakyan na si Reylan Compuesto, 25, may-asawa.

Sa ulat, nagbanggaan ang sasakyan nina Compuesto at Juliano alas-11:30 ng umaga ng Biyernes sa kahabaan ng Shaw Blvd. kanto ng C-5 Road, Brgy. Bagong Ilog, Pasig City.

Nag-init ang ulo ni Juliano at tinutukan ng baril si Compuesto na humingi ng tulong sa kagawad ng Traffic & Parking Management Office na nangangasiwa ng trapiko sa lugar.

Dinakip si Juliano at nakuhanan ng kalibre .38 RG revolver na may kargang bala at nakatakdang sampahan ng kasong grave threat at paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearm.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment