RETIRED COP ITINUMBA SA BASKETBALL GAME

ball

(NI DEREK LIPANA)

PATAY ang isang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in tandem habang nagre-referee sa basketball game sa Barangay Industrial Valley Complex, Marikina City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Bernabe Balba, ang biktima ay nakilalang si ret. P/Chief Insp. Elmer Corbe, at ng Cadena De Amor kanto ng Orlandes St. sa nabanggit na lugar.

Bago nagretiro sa serbisyo bilang miyembro ng Marikina Police, si Corbe ay na-assign din sa Quezon City Police District (QCPD).

Nabatid sa ulat ni Senior Supt. Roger Quezada ang hepe ng Marikina City Police, naganap ang krimen bandang alas 6:30 kagabi habang nagre-referee sa basketball game sa kanilang lugar ang biktima.

Sa pagsisiyasat bigla na lamang umanong dumating ang mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo at pagkababang-pagkababa walang habas na pinagbabaril si Corbe sa gitna ng laro hanggang sa humandusay ito.

Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng ginamit na motorsiklo samantalang naisugod pa sa Marikina Doctor’s Hospital si Corbe subalit ideneklara itong dead on arrival.

Hanggang sa kasalukuyan inaalam pa ng Marikina Police ang motibo ng pamamaslang kay Corbe at kung sino ang nasa likod nito.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment