RETIRADONG ARMY COLONEL LUMUSOB SA BRGY HALL, ARESTADO

arrested76

(NI MAC CABREROS)

LITERAL na pinalambot sa kulungan ang isang retiradong colonel ng Philippine Army nang arestuhin ng pulisya matapos na ‘sumalakay’ at maangas na inastahan ang Barangay chair at kagawad sa loob ng Barangay Hall sa Mandaluyong City.

Panay ngayon ng paghingi ng tawad si Retired Col. Rogelio De Leon, 75, sa nagrereklamong sina Richard Bassig, 42, at Fernando Alcaraz, 64, chair at Kagawad ng Brgy. Daang
Bakal, nasabing lungsod.

Nahaharap si De Leon ng kasong Grave Oral Defamation at Grave Threat nang pumasok sa opisina ng Bantay Bayan sa nasabing Barangay alas-kuwatro ng hapon ng Martes at pinagmumura at pinagbantaan ang nabanggit ng local officials.

Ayon sa pulisya, alsa boses na sinabi ng suspek ang katagang “P—-ng Ina mo, Mayabang ka… Gusto n’yo, uubusin ko kayo?” habang hawak ang baril nito na Glock 9mm pistol na puno ng 14 bala sa magazine nito. Humingi ng police assistance sina Bassig at Alcaraz at naaresto si De Leon at nakumpiska ang baril nito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment