PUMATAY, GUMAHASA SA GRADE 12 STUDENT ARESTADO

suspect12

(NI TJ DELOS REYES/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN)

NADAKIP na ng Quezon City Police District (QCPD) ang responsable sa pagpatay at panggagahasa sa grade 12 students matapos na makita ang necklace sa facebook na siyang narekober sa crime scene.

Sa ulat na nakarating kay NCRPO Director Major General Guillermo Lorenzo Eleazar nakilala ang suspek na si Elimond Domingo, 25, residente ng No. 25 La Trinidad St., Group II, Brgy. Payatas B. Q.C.

Base sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang arestuhin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pangunguna ni P/Major  Elmer Monsalve at Batasan Police Station P/Lt Col Joel Villanueva, ang suspek sa mismong bahay nito.

Matatandaan na June 7, nang matuklasan ng mga kalapit na kuwarto ang walang buhay na katawan ni Allison Dacillo, 18, nakatira sa No. 25 La Trinidad St., Group II, Brgy. Payatas B, na kalapit kuwarto lamang ng suspek.

Sa eksaminasyon nagtamo ng saksak sa leeg,  kaliwang kamay at kaliwang bahagi ng katawan ang biktima na siyang dahilan ng kamatayan nito.

Lumalabas na kasama ang suspek sa inimbitahan  ng pulisya para sumailalaim sa imbestigasyon dahil sa kalapit kuwarto lamang ito sa tinutuluyan ng biktima.

Naramdaman ng mga pulis na tensyonado si Domingo sa ginawa nilang pagsisiyasat dahilan upang sa kanya matuon ang konsentrasyon ng mga otoridad.

Nang siyasatin ang social media account ng suspek nakita ang necklace na may dog tag na suot nito sa larawan sa Facebook na siya namang narekober sa lugar ng krimen.

Isang witness din ang nagsabi na nakita nito si Domingo na lumabas sa kuwarto ng biktima na siyang dahilan upang agad na arestuhin ito.

Kasong robbery with homicide at rape ang siyang kakaharapin ng suspek.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment