PULIS NAGPOSITIBO SA DRUG TEST

DRUG TEST-4

NANGANGANIB masibak sa serbisyo ang isang police corporal na nakatalaga sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, matapos magpositibo sa paggamit ng shabu.

Ito ang inamin ni P/BGen. Debold Sinas ng National Capital Region Police Office (NCRPO)  sa isang press briefing.

Kinumpirma ni Sinas, na nagpositibo sa droga si P/Cpl. Anthony B. Romano, ng Regional Intelligence Division ng NCRPO  sa resulta ng kanilang  surprise drug test nitong Enero 14, at sa isinagawang confirmatory test.

Umamin naman ang nasabing pulis na talagang gumagamit ito ng ilegal na droga at mayroon pa umano itong ka-jamming na isa ring pulis. Agad namang dinisarmahan ang nasabing pulis at inilagay sa holding unit ng NCRPO matapos paaminin ni Sinas kung saan ito humahango ng droga sa loob ng tatlong taong paggamit nito.

Nahaharap ngayon sa kasong administratibo si Romano at nanganganib na masibak sa serbisyo. NICK ECHEVARRIA

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment