PULIS NA SINABUYAN NG TAHO SA MRT PINARANGALAN

cop1

 (NI NICK ECHEVARRIA)

BINIGYANG parangal ngayong umaga kasabay ng flagraising ceremony sa Camp Crame ng liderato ng Philippine National Police si P01 William Cristobal, ang pulis na sinabuyan ng taho ng isang babaeng Chinese national noong Sabado sa MRT.

Personal na isinabit nina PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde at secretary Bong Go ang commendation medal sa nabanggit na police officer.

Hinangaan naman ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang ipinakitang pagiging mahinahon ni Cristobal sa harap ng pambabastos na ginawa sa kanya ng dayuhang Chinese na aniya’y maituturing na isang huwaran sa hanay ng pulisya.

Matatandaan na naka-duty si Cristobal sa Boni Station ng Metro Rail Transit 3 ng sabuyan ito ng taho ng Chinese national na si Jiale Zhang makaraang sitahin at pagbawalan ito bunsod ng mahigpit na security na ipinatutupad sa pagdadala ng anumang uri ng likido sa loob ng tren.

Nabatid din na sinampahan na ng pulsya ng kasong Unjust Vexation, Assault at Disobedience to Agent of Person in Authority sa Mandaluyong City Prosecutors Office kahapon  si Zhang.

Ngayong araw na ito pagpapasiyahan ng  prosecutor sa pamamagitan ng ilalabas na isang resolution  kung dapat ba o hindi na ipa-deport ang nasabing dayuhan pauwi ng kanilang bansa.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment