POT SESSION SA RESTOBAR, 6 TIKLO

(NI FRANCIS SORIANO)

KALABOSO ang anim katao, kabilang na ang dalawang menor-de-edad, matapos maaresto at matiklo sa kanilang pot session sa loob ng restobar sa Maria’s Backyard Restobar Brgy. Baritan, Malabon City, nitong Linggo.

Kinilala ni PCOL Jessie Tamayao, hepe ng Malabon City PNP ang mga suspek na sina

Arvi Villamar y Blancada, 21, ng B3-L28, Site 8, Phase 2, Area 3, Brgy. NBBS, Christian Jimenez y Masotes, 21, ng B1-L22, Phase 2, Area 2, NBBS, Apollo Dormiendo, 21, ng B2,- L26, Phase 2, Area 2.

Ang tatlong menor-de-edad ay isang , 17-anyos,  isang 16-anyos at  17- anyos na kapwa residente sa nabangit na lugar.

Ayon sa mga taga PCP-7, kasalukuyang nagsasagawa ang mga operatiba nito ng  Oplan Galugad/Bakal sa nabangit  na establishments nang lumapit at isuplong ng guwardya ang ongoing pot session ng anim na suspek dakong  ala 2:45 ng madaling araw noong linggo na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito.

Narekober sa mga suspek ang isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na hinihinalang dried leaves ng marijuana fruiting tops,  isang improvised pipe/glass tube na naglalaman ng dried leaves nng marijuana at  isang disposable lighter.

Related posts

Leave a Comment