PITONG CHINESE NATIONAL TIMBOG SA KIDNAP

nbi12

(NI JULIE DUIGAN)

BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong Chinese national na sangkot sa pagkidnap sa isa nilang kababayan,  Linggo ng hapon sa isang Condominium sa Pasay City.

Martes ng hapon ay ipinirisinta nina Vicente de Guzman, deputy director for Investigation Service at  Atty. Emetrio Dongallo, Jr. Chief SAU, ang mga suspek na sina  Liu Shenshui,Deng Shuijin,Xiong Jinxiang,Xiong Jonpeng  ,Xiong Jilong,Luo Gen Jin, at Chen Yiguo, pawang Chinese nationals at mga turista  na kadarating lamang umano sa bansa.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong kidnapping at serious  illegal detention sa  Pasay City Prosecutors Office.

Ang pag-aresto sa pito ay matapos na magreklamo si Jian Shi Lun, kapatid ng biktimang si  Jian Shi Xin na dinukot ng mga suspek sa Okada Manila sa Paranaque City at dinala sa hindi alam na condominium, doon idinetine at sinaktan ng mga suspek.

Pinayagan umano ng mga suspek ang biktima na makatawag sa kanyang kapatid para  ipaalam ang kanyang sinapit na pinuwersa ito na magbayad ng P200,000.

Nag-ugat umano ang pagkidnap sa biktima matapos na umuwi sa China ang kanyang kaibigan na nangutang sa mga suspek na umano’y nagpi-finance sa casino.

Hindi umano nakabayad ang kaibigan ng biktima sa mga suspek  kaya siya ang kinuha para ma-pressure ang kaibigan nito na magbayad ng kanyang inutang sa mga suspek.

Sinabi ni De Guzman na kinasuhan ang mga suspek dahil wala naman utang sa kanila ang biktima pero kinidnap nila ito.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment