PEKENG PULIS BUKING SA ‘CODING SCHEME’

arrested12

(NI KIKO CUETO)

ARESTADO ang lalaki na nagpanggap na pulis nang sitahin dahil sa paglabag sa number coding scheme.

Sa imbestigasyon, nagde-deliver ng aircon si Samuel Sy nang sitahin ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) dahil sa paglabag ng number coding scheme.

Dito na ipinakita ng suspek ang ID na nagsasabing miyembro siya ng Philippine National Police (PNP).

Pero mabilis na napag-alaman na peke ang ID nito.

Sinabi naman ni Police Lt. Ed Alombro ng Manila police, malaki ang pagkakaiba ng tunay sa pekeng ID.

“Sa texture pa lang, malayo ang itsura sa printing, fake siya. T’saka tingnan mo ‘yung logo, computerized. Tapos batch number kasi kung 0 ay officer so dapat ‘yan o dash number e sa kanya 0 dire diretso,” aniya.

Inalam ng PNP kung kasamahan ba talaga nila si Sy pero hindi lumabas ang pangalan nito sa database.

Napag-alaman din na may warrant of arrest si Sy sa Quezon City noong 2018 para sa usurpation of authority.

Inamin ni Sy na peke ang kanyang ID at ginawa niya ito dahil kailangan umano niyang magtrabaho para sa asawang dina-dialysis.

“Gumamit po ako ng ID na peke… Para iwas huli,” aniya.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment