PEKENG DENTISTA, KALABOSO

ARRESTED WOMAN

(NI CHERK BALAGTAS)

ISANG 27-anyos na babaeng pekeng dentista ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation sa mismo niyang clinic sa Lungsod ng Caloocan, Huwebes ng hapon.

Sa ulat ni Caloocan City police chief P/Col. Noel Flores, humingi umano ng assistance sa kanila ang Philippine Dental Association (PDA) matapos makatanggap ng sunod -sunod na complaints hinggil sa illegal practice ng dentistry ng nagpapanggap na dentista na si Marilou Ilaya, 27, ng Calaanan Street, Barangay 74 ng nasabing lungsod.

Ganap na alas 4:00 pasado ng hapon nang isagawa ng Station Special Operation Unit (SSOU) at mga representatives ng PDA ang entrapment operation laban sa suspek sa Padrinao-Ilaya Besa Cruz Dental Clinic sa 259 Villanueva Street, Heroes Del 96 ng nasabi ring lugar.

Isang operatiba ang nagpanggap na pasyente at nang aasikasuhin na siya at bubunutan na ng suspek ay doon na siya inaresto ng mga ito, narecover ng pulisya at tauhan ng PDA ang iba’t ibang dental instruments at supplies kasama ang P1,500 na marked money na ginamit ng mga awtoridad.

Nasa kustodiya na rin ngayon ng Caloocan City detention facilities ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9484 o An Act to Regulate the Practice of Dentistry in the Philippines.

 

Related posts

Leave a Comment