PEDICAB DRIVER DEDBOL SA VAN

PEDICAB DRIVER

PATAY ang isang pedicab driver habang kritikal ang pasahero nito matapos salpukin ng humahagibis na van sa Caloocan City.

Nasawi sa pinsala sa ulo at katawan si Jericho Ibañez, 48, ng Block 16, Lot 3, Phase 2, Paradise Village, Tonsuya, Malabon City habang ginagamot naman sa MCU Hospital ang pasahero nito na si Arlyn Quizol, 46, isang negosyante.

Alas-5:30 ng umaga, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng C-4 Road nang mula sa likod ay tumbukin ang kanyang pedicab ng rumaragasang commercial van na may plakang XML-6502 na minamaneho ni Manalastas Gerver, 32, ng 1210 Kagitingan St., Tondo, Manila.

Bumalandra si Ibañez sa windshield ng van bago bamagsak sa kalsada na una ang ulo habang tumilapon din palabas ng pedicab ang kanyang pasahero.

Naaresto naman ng pulisya si Gerver na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Related posts

Leave a Comment