PANALO SA ‘MOBILE LEGENDS’ KINUYOG

PLAYING MOBILE LEGENDS

WALANG nagawa ang kasintahan ng isang 17-anyos na estudyante nang gulpihin at saksakin ang huli ng apat na kalalakihan makaraang talunin umano ng biktima ang mga suspek sa Mobile Legends noong Martes ng gabi sa Malabon City.

Nakaratay sa Tondo Medical Center sanhi ng bugbog at saksak sa katawan ang biktimang itinago sa pangalang “Benjie” ng Blk. 46, Lot 12, Brgy. Longos ng nabanggit na lungsod.

Alas-8:45 ng gabi nang mangyari umano ang insidente sa loob ng JB Computer Shop sa Maya-Maya St. sa Brgy. Longos.

Ayon sa ulat, habang nasa loob ng nasabing computer shop ang magkasintahan nang pumasok ang mga suspek at kinulata si Benjie.

Pagkaraan ay pinagtulungang bugbugin ng mga suspek ang biktima at saka sinaksak.

Nang makitang duguan na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Isinugod naman sa pagamutan ang biktima na ngayon ay inoobserhaban.

Napag-alamang may mga nakaalitan umano si Benjie sa mga nakalaban at tinalo niya sa nabanggit na computer games. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment